sana masaya ka

Alam mo, gusto kong nakikitang masaya ka. Kasi kapag nakangiti ka, kinikilig ako. Kapag nararamdaman ko yun, sumasaya na rin ako. Ganon siguro talaga kapag importante sa’yo ang isang tao.

Gusto kong nakikita kang nage-enjoy sa buhay. Tumatawa kasama ang mga taong mahal mo. Gusto kong nakikita kang maligaya, doon pa lang, solve na ako.

Hindi ako perpekto pero gagawin ko ang lahat, mapangiti ka lang. Dahil sa pagpikit ng mga mata mo at pagkurba ng mga labi ang tanging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.

Mahal kita kaya gusto kong masaya ka.

Share this post
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply