overthinking

overthinking

Seryoso yan. Overthinking kills. Nakamamatay ng pag-ibig. Nakamamatay ng pangarap. Nakamamatay ng pag-asa.

Kung iisipin mo, simple lang naman dapat ang buhay e. Pinapakumplikado lang ng ibang tao. Pinapakumplikado ng mga salita o nababasa o napapanood. Lalong gumugulo dahil sa opinyon ng iba o sa pagkukumpara sa mga nangyari at sa mangyayari. Natatakot tayo sa pattern ng kahapon. Paano kung ganito. Paano kung ganyan.

Overthinking.

Sa sobrang dami nating iniisip sa buhay, maaari tayong gumawa ng paraan para hindi tayo lamunin ng mga ito. Isulat mo isa-isa. Sa isang papel o sa notes ng cellphone mo, isulat mo ang mga problemang kinakaharap mo ngayon – mga dapat gawin, mga worries sa buhay, mga nararamdaman. Mula sa maliliit hanggang sa malalaki. Isulat mo ang nararamdaman mo. Hindi kailangang mahaba o detalyado, basta ikaw ang bahala kung paano ito isusulat. Mas simple, mas maganda.

Kapag naisulat mo na, basahin mo ulit. Kung may control ka at kaya mong solusyunan, ilagay mo lang pero kapag wala kang control dito, cross out mo na. Most of the time, yung mga bagay na pinag-ooverthink natin ay mga bagay na hindi naman talaga nag-eexist, mga problemang nabuo lang sa paano kung, at baka kasi. Let go mo na yung mga ganon.

Tapos pumili ka ng kaya mong solusyunan agad. At kapag nagawa mo na, i-cross out mo na.

Kalaban ng solusyon sa problema ay ang oras o panahon. Kaya unahin mo ang madadali. Mga simple. O kapag may mas kailangan na, unahin mo na.

Sa pamamaraang ‘yon, naka-monitor ka sa progress ng buhay mo. Hindi ka lutang. Hindi ka sabog. At pagkatapos ng lahat, makikita mo kung anu-ano na ang na-accomplish mo.

Subukan mo. Simulan mo sa lima o tatlo.

Share this post

Leave a Reply