anong plano?

Tiwala lang. Maganda ang plano ni God sa atin.

Lagi ko itong iniisip. Maganda ang plano ng Diyos sa akin. Maganda ang plano Niya sa ating lahat. Kailangan lang natin ay ang magtiwala at kumilos.

Pero bakit may mga pagsubok pa rin? Bakit may mga sakit pa rin tayong nararanasan sa buhay? Bakit bumagsak tayo sa exam? Bakit hindi tayo naaappreciate ng mga boss natin sa trabaho? Bakit parang hindi nakikita ng pamilya natin ang effort natin? Bakit wala ka pa rin lovelife hanggang ngayon? Bakit hindi natin nakukuha ang mga gusto natin?

Madalas na tanong ko rin yan noon. Dumating pa nga sa puntong parang wala namang nangyayari sa buhay ko. Na kahit ilang beses akong magdasal, wala pa rin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Doon tayo bumibitiw. Doon tayo nawawalan ng gana. Doon tayo susuko na.

Pero nagdasal ako na parang hindi ko na kayang humawak sa Kanya kaya sana, Siya na ang humawak sa akin nang mahigpit. Kasi alam kong never Niya akong bibitiwan. Sa kapit Niya at sa hawak ko sa kamay Niya, doon ko na-realize na hindi Niya naman ako pinapabayaan. AKO ANG UMAALIS SA KANYA. AKO ANG UMIIWAS.

Ganun naman eh. Parang paggawa ng bahay. Sa umpisa puro kalat, puro mabibigat na bato. Nakakapagod sa umpisa. Pero kapag hindi ka sumuko at nagtiwala ka sa Blueprint na gawa ni God, makikita mo ang magandang bahay at magandang buhay na regalo Niya sa’yo.

In short, huwag kang susuko. Huwag kang titigil. Huwag kang bibitiw sa Kanya. Yakapin mo Siya. Isumbong mo ang mga nasa puso mo. Kausapin mo Siya.

At lagi mong isipin na MAHAL NA MAHAL KA NIYA.

Mahal Niya tayo.

Share this post

Leave a Reply