wala talaga eh

Ang bigat.

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin o iisipin. May mga bagay kasi sa buhay ko na gusto kong i-settle pero alam kong hindi naman na maaayos dahil hindi ko naman mako-control ang nararamdaman ng iba. Ang hirap ayusin ang isang bagay na ayaw nang ayusin na. 

People come and go nga talaga.

Ang hirap pigilan ng isang taong umalis sa buhay mo. Wala ka nang magagawa kundi ang tingnan sila habang umaalis sa buhay mo. Oo, sinusubukan kong huwag lumingon. Huwag tumingin o pansinin man lang ang pagkawala niya o nila… pero iba pa rin talaga kapag yung sarili mo yung umaasa pa na baka pwede pa, na baka joke lang ang lahat, na baka naman bumalik sila… pero wala.

Nakakapagod din pala.

Pero naisip ko, may tatlong uri ng problema: yung may magagawa ka at talagang mababago mo, may magagawa ka pero hindi na magbabago at yung wala ka nang magagawa at wala nang magbabago.

Sinubukan ko na.

Wala talaga eh. Ganun talaga. The last thing na lang na gagawin ko ay tanggapin at mag-move on – kahit hindi madali, kahit napakahirap. Hindi lang naman sila ang tao sa buhay ko. Oo, masakit pero kailangang tanggapin. 

One response to “wala talaga eh”

  1. Tagal ko na naging manhid pero yung isang to e talagang mapanakit. HAHAH

Leave a Reply to inner me. (@unsearchableeli) Cancel reply

Exit mobile version