kahit mabagal

Kahit maliit pa lang ang progress, kahit hindi mo pa masyadong makita ang pagbabago, ituloy mo lang.

One step at a time.

Kahit gaano kaliit, at least nagmu-move forward ka. Hindi man kasing bilis ng iba, hindi ka man maging okay agad katulad nila, magpatuloy ka… sa sarili mong timing, sa sarili mong daan.

“Sometimes the smallest step in the right direction ends up being the biggest step of your life. Tiptoe if you must, but take a step.” Naeem Callaway.

Yes, take a step. Tapangan mo. Para bang kapag magliligo tayo na alam nating malamig ang tubig, ang ginagawa natin, nagbibilang tayo ng 1-2-3 sabay buhos ng malamig na tubig. Mula sa tapang na kinaharap mo, magsisimula ang pag-usad mo patungo sa bagay na gusto mo.

Lagi mong tatandaan, hindi mabubuo ang piso kung walang bente singko.

Share this post

Leave a Reply