sasaya ako kapag

sasaya ako kapag

Sa ilalim ng malungkot na buwan,
Sa gabing nilulunod ng kalungkutan,
Isang bituwin ang napiling sundan,
Isang bulalakaw, tatlong kahilingan.

Tinanong niya ako kung saan ako sasaya,
Kung ano ang mga bagay
na bubuhay sa ‘king mga mata,
Matang inagusan ng lungkot at luha,
Ngiting inagawan ng pag-asa’t tuwa.

Sumagot ako sa tanong ng bituwin.
Gusto kong maglakad, lumipad, at tangayin,
ng malamig na hanging minsan nang yumakap sa akin,
sa dalampasigan, isa lang ang hiniling.

Sasaya ako kapag ikaw na ang katabi
Yayakap sa akin, hindi mo itatanggi.
Gagabayan ng liwanag sa bulag na gabi,
Pag-ibig mo kasi, hiniling ko na dati.

Share this post

One response to “sasaya ako kapag”

Leave a Reply to Rhiesza Cancel reply