magiging okay rin

Sa gitna ng kabi-kabilang pagsubok na dumating at dumarating sa buhay natin, natural lang na manghina, mapagod at mawala ng gana. Ganyan ang nararanasan ko ngayon.

Hanap ako nang hanap ng kasagutan kung bakit ko ‘to nararamadaman pero sa paghahanap, mas lalo lang akong napagod.

Marcelo Santos III

Hinayaan ko na lang ang sarili kong maramdaman ang pagod, lungkot at kahinaan.

Pinipigilan ko kasi kaya lalo akong nasisira. Hinayaan kong maramdaman ang gustong iparamdam sa akin ng mundo…. dahil may gusto itong ituro sa akin.

Natuto akong magpahinga, alagaan ang sarili ko, tanggaping hindi ko kaya ang lahat, maappreciate ang lahat ng mayroon ako… at humingi ng tulong sa Panginoon.

Hindi man ngayon. Hindi man agad-agad. Pero soon, magiging okay rin ako. Magiging okay rin tayo.

Leave a Reply Cancel reply

Exit mobile version