feeling ko

Pakiramdam ko naman tama yung desisyon ko kasi hindi naman ako mahihirapan nang ganito mag-let go kung talagang nakakaapekto na ito sa pagkatao ko. Para bang isang addiction na napakahirap pakawalan, parang isang maling tao pero mahal mo na napakahirap bitawan… pero kailangan.

Ngayong taon, hindi na ako matatakot mag-let go. Oo nakakapagod, nakakahinayang pero life goes on.

Marcelo Santos III

Hindi titigil ang mundo para sa atin. Extra lang tayo, hindi tayo ang bida. So tulad ng extra sa pelikula, dadaan lang tayo. Hayaan natin yung mga bidabida ang magkagulo.

Bibitaw na ako. Bibitawan ko na.

Share this post

Leave a Reply