bigay ng universe

Sa pagkakaalam ko, kaya tayo binibigyan ng universe ng sobra sobra dahil alam niya na ibabahagi natin ito sa iba. Actually, hindi alam ng universe pero tumataya siya sa ‘yo. Na sana maging mabuti ka, na sana gamitin mo yung binigay niya para makatulong sa iba. Parang nasa isang game show ang universe at ikaw ang napili niyang may hawak ng brief case at nag-no deal siya kay God kasi alam niyang ikaw yung manok niya. 

Kaya sana galingan mo. Wag mong ipahiya yung universe na tumaya sa ‘yo.

Leave a Reply Cancel reply

Exit mobile version