Paggaling ng puso

Alam mo, sana magtuloy-tuloy na ang paggaling ng puso mo. Sana maiwasan na natin ang mga bagay na magbibigay ng dahilan para maramdaman ulit natin yung pinaghalong kirot at kaba sa puso. Sana makaya na nating magsabi ng “hindi” kapag hindi talaga natin gusto. Sana makaya nating huwag magpaapekto sa mga bagay na wala namang epekto sa buhay natin. Pakiramdam ko kasi, doon ako nalulungkot.

HIndi ko mababago ang mundo. Hindi ko mapipilit ang mga tao na maniwala sa mga bagay na pinaniniwalaan ko. Ang tangi ko lang kayang gawin (at sa tingin ko ay may kontrol ako) ay ang pagsusulat ng ganito. Gusto ko lang magkwento. Gusto ko lang ipaalam sa mundo na nasasaktan din ako.

Pero sana nga talaga, tuloy-tuloy na ang paggaling mo… sa lahat ng aspeto. Sa gusto mong mangyari sa hinaharap, sa taong nais mong makasama pagkatapos ng lahat ng paghihirap, mga lugar na gusto mong puntahan kapag pwede na ulit makita ang mundo. Sana gumaling ka na physically and emotionally. Sana mawala na yung takot, yung mga hindi sigurado. Sana gumaan na ang mga problema, sana makita na natin ulit ang saya.

Alam mo, naniniwala ako na kaya mo… tulad ng paniniwala kong malalampasan ko rin ang lahat ng ito. Gagaling din ang puso mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s