The Dark Side of KABATAAN Days: UNFOLD!
Nabuhay ako sa pagitan ng lumang henerasyon at ng makabagong mundo. Ang dating simple at ang ngayong moderno. Pero bilang isang bata, hindi natin narerealize ang mga bagay bagay na nilalaro at kinakanta natin, at ang mga sumusunod ay ang aking mga katanungan:
- Sino si Balbon at bakit gusto nila siyang hulihin?
- Bakit lagi nilang pinapasayaw si Kikay?
- Bakit naka-panty ang asawa ni Mari? Babae ba si Mari at trip lang ng asawa niya ang magpanty?
- Hindi ba marunong magsalita si Nena kaya ang lagi niyang sinasabi ay “Uhm-Ah! Uhm-Ah-Ah!”?
- Bakit nung pumunta ako ng tindahan, wala akong mabiling chippy chippy gum?
- Ano bang ginawa ni Brand X, bakit lahat na lang ng produkto galit sa kanya?
- Lahat ba ng palaka ay walang kaawaawa?
- Sino ba si Wisely atsaka si Straight? Bakit sila kailangan iboto?
- Lahat ba ng bumubukaka ay siyang palaka?
- Bakit kapag ang babae nagbibilang, 10-20-30-40-50-100? #ChineseGarter
- Bakit kailangan nilang mag-unahan sa pagsawsaw sa suka?
- Bakit kapag mangangako ka, may peksman na, may hope to die pa?!
- Nasaan ang halaman sa bahay kubo? Gulay sila diba?
- Si Doktor Kwak-Kwak ba ang doktor ng mga batang nais mabalian ng buto?
- Bakit kailangang i-emphasize ang salitang “impyerno” sa larong langit lupa?
#IMIMIMPYERNO - Paano ka makakaalis sa pwesto mo kung patay ka na?
#LangitLupa - Kelan magtetrese si Fe sa kantang “Sen Sen Sen, Chimpoy Champoy, Dose na si Fe”?
- Ano ang pinagkaiba ng “Dose na ni Oink Oink” at “Dose na ni Amen”?
- Bakit namumulaklak ang ginto’t pilak? halaman ba ito?
- Nahuli na ba yung Mama na pinagpalit ang bata sa manika nung nakapunta siya ng Maynila?
- Seryoso ba ang larong “tagutaguan”?
- Bakit lumiliwanag ang buwan kapag nagtatagu-taguan?
- Kelan pa nagkaroon ng Buko sa Papaya? Ano to Magic?!
- Bakit kailangan pindutin ang ilong sa larong “Ilong Ilong Ilong”?
- Bakit gusto nilang maging Tutubi na walang tinatagong bato?
- Kailan pa naging PRUTAS ang ADAMSON at maraming may favorite ito?
- Ano yung mensahe sa larong pass the message?
- Bakit kailangan nilang sumigaw ng VIVA sabay taas ng kamay na nakapeace sign at biglang uupo?
- Bakit kailangan pa nilang sabihing “Si-Na-Bi-Ba-Ng-Diyos-O-o”? Wala ba silang tiwala sa kalaro nila?
- Bakit dapat pasabugin ang mukha ng mga makakapal ang mukha?
- Bakit ulo ulo lang tapos hindi kasama katawan?
- Bakit lagi nilang tanong “Anong Pangalan ng First Love Mo?” Ke bata bata, first love agad?!
- Bakit kapag gagawa ng assignment kailangan magsuntukan?
- Bakit ang Ibong Tiririt ang binansagang Pambansang Walis Tingting?
- Bakit may FLAMES, CAMEL at HOPE?
- Bakit hiling sila ng hiling sa kanilang nanay at tatay ng tinapay?
- Bakit nila inuutusan ang kuya at ate nila na kumuha ng kape?
- Bakit kailangan pang pingutin sa tenga kung hindi nila nakuha ang lahat ng gusto mo?
- Bakit kailangan sundin ang lahat ng gusto niya? Boss ba siya?











tama!
oo nga naman!
galing mo kuya marce!