Bilang isang blogger, naiinvite ako sa mga events lalo na sa mga upcoming shows, tv program, album launch, concerts, lahat yun, chance maka-meet ng mga artista.

 

 

Last time, umattend ako ng blogcon (blogger’s conference) ng Star Cinema para sa pelikulang The Mistress starring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz. Kasama nila sa event si Ms. Olivia Lamasan (The Director) and Ms. Vanessa (The Writer). Sa blogcon na yun nahihimay ang istorya, kung paano ito nagawa at mga backstories sa bawat karakter ng pelikula. Showing pa rin ngayon ang The Mistress at kumita na ito ng mahigit 300 Million Pesos.

 

 

 

 

Naimbitahan na rin ako sa BlogCon ng Ina Kapatid Anak, ang bagong teleserye ng ABSCBN na magsisimula sa October 8 sa Primetime Bida. Nakita ko rin sa personal sina Kim Chiu, Maja Salvador, Xian Lim at Enchong Dee. Ang saya lang kasi yung mga artista, ilang hakbang lang ang layo sayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

After that, naimbitahan din ako sa MOVIE Blogcon ng “Suddenly It’s Magic”, yung pelikula ni Erich Gonzales at Thai Heartthrob Mario Maurer. Istorya ito ng isang baker girl na na-inlove sa isang asian superstar. Nakakwentuhan namin si Erich at nakaskype si Mario. :) Mapapanood niyo na ito sa October 31.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lastly, nitong October 1, umattend ako sa blogcon ng This Guy’s In Love With U Mare, ang romcom (actually more on comedy to eh) movie nina Vice Ganda, Toni Gonzaga at Luis Manzano. Ito ay kwento ng isang beking nabroken heart at nagmahal ng isang babae para makaganti sa lalaking iniibig niya noon. Basta! Maganda ang story line. Showing na ito sa October 10. :)

 

 

 

Abangan niyo pa ang ibang “Perks of Being a Blogger”. :)

Share!