image

 

Sa mga oras na ito, nag-iisip ako ng isusulat tungkol sa nangyari sa Seminar kung saan inimbitahan ako bilang maging resource speaker. Inaalala ang mga bagay at mga pangyayaring halos ilang linggo na ang nakakalipas.

Unang pagkakataon ko pa lang makapunta sa Pampanga kaya hindi ko alam kung ano ang sasakyan papunta roon (wala naman kasi akong sariling kotse) kaya sumakay ako ng bus sa may Recto.

Halos dalawang oras din akong nagbiyahe patungo sa Angeles. Gamit ang mapa sa cellphone ko at GPRS, nalalaman ko kung nasaan na ang bus. Habang nasa loob ng bus, inaaral ko na ang mga topic na aking tatalakayin.

Puyat ako ng mga panahong iyon dahil madaling araw na akong nakatulog. Gumising pa ako ng napakaaga para gumawa ng presentation.

Noong nasa Angeles na ako, sinundo ako ng mga organizers sa bus terminal. Pagkapasok namin sa HAU, tumambad sa akin ang mala-international school. Iba’t ibang uri ng mga mag-aaral. Magagandang buildings at structures. Isa sa umagaw ng atensyon ko ay ang napakagandang Chapel nila at ang Museum.

 

image

 

Kumain muna kami sa Cafe Juan, isang resto sa loob ng HAU kung saan ang mga staff nito ay mga estudyante rin. May mga estudyanteng lumapit sa akin at nagpapicture. Nakakatuwa lang kasi kilala nila ako. :] Nalaman ko pa na inikot pa nila ang buong HAU, makita lang ako.

 

image

 

Pagkapasok ko sa venue ng seminar, tumambad sa akin ang mga estudyanteng mukhang sosyal. Sabi ko sa sarili ko, Naku Patay! Sosyalan yata to. Pero ayun, nung magsasalita na ako, ginawa ko na lang cool. Yung parang nagkukwentuhan lang kami. Hindi gaanong pormal. May mga tawanan. Kulitan.

 

image

 

Kinwento ko yung mga nangyari kung bakit ko to narating, yung pagiging kilala sa internet sa pamamagitan ng talento ko. Nagbigay rin ako ng mga Tips and Advice sa pagsusulat. At ang FINALE, nagpalabas ako ng isang Love Story on Video, Upuan. Nakakatuwa lang kasi super affected sila sa mga nangyari sa istorya, kinikilig, tumitili. Ang sarap sa pakiramdam.

 

image

 

Napakabait at accommodating ang mga tao sa HAU. Salamat sa CommLeague at sa lahat ng bumubuo nito. Salamat sa mga taong nakinig sa akin. Salamat dahil naka-inspired akong muli ng mga tao. Salamat sa pagkakataon. Salamat.

Share!