Karamihan kasi sa atin, mahilig magmadali. Sa pagmamadali natin, nagiging haggard tayo. Pinagpapawisan, madaling mapagod, kinakabahan kung aabot ba o hindi, nag-aalala, nai-stress.

 

Parang buhay lang, mas masayang namnamin ang bawat kaganapan sa buhay natin, kahit ito ay hindi maganda o mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Gusto kasi nating takbuhan agad ang problema kaya nagmamadali tayong resolbahin ito o kaya naman ay kalimutan pero ang problema ay nagaganap hindi para pahirapan tayo bagkus nais nitong ipaalam sa atin ang mga bagay na dapat nating matutunan.

 

Nakakahaggard ang buhay. Nakakapagod ang bawat ikot ng mundo. Pero kung chill lang tayo, siguro mas makakapag-isip tayo ng mabuti at makakapagdesisyon ng tama. Hindi mo kailangang magmadali. May lakad? May lakad?! :)

 

Share!