Kapag kasama mo ang barkada, doon mo lang mararamdaman ang tunay na ikaw. Yung sobrang saya niyo – asaran pero walang pikunan, sakitan pero nagtatawanan, yung lakad kayo ng lakad kung saan saan tulad sa mall – basta! Sobrang saya mo kapag nandiyan sila. Pero ang problema, PAANO ANG BUDGET?

So, bilang isang taong mula sa simpleng buhay (in other term, mahirap or di ganung kayaman), alam na alam ko na kung paano makatipid at gusto ko itong ishare sa inyo at sa mga barkada niyo.

 

1. Transportation: 

  • Jeep All the Way - kung pwede namang magjeep, why not. Ito ang pinakamurang mode of transportation. Pwede pa kayong magharutan at magkwentuhan ng barkada mo papuntang mall or somewhere. (Wag lang masyadong maingay sa loob ng jeep, baka mairita yung mga ibang nakasakay dun) 
  • Taxi: The More The Cheaper – kung sasakay naman kayo ng taxi, be sure na mamaximize niyo yung space, isa sa harap, tatlo sa likod (o kaya naman apat sa likod) Mas makakamura kayo kasi marami kayong maghahati sa bill. (Anti Haggardness pa!)
  • Walk Walk Walk – Mas masaya pa rin ang maglakad kasama ang mga kaibigan, hindi mo mararamdaman yung pagod o layo ng lalakarin niyo kapag kasama at kakwentuhan niyo sila habang naglalakad. If kayang lakarin, wag nang magtricycle, mahal kasi minsan maningil ang mga tricycle drivers eh lalo na kapag SPECIAL.
  • Never Ask “Magkano Po Pamasahe Papuntang…” - May mga drivers (not all) na gugulangan ka kasi hindi niyo alam ang pamasahe sa pupuntahan niyo, dalawa lang ang pwede niyong gawin, magtanong sa katabi kung magkano yung fare o kaya naman magbayad ng buo like 50 or 100 peso bill, hintayin niyo na lang yung sukli.
2. Food:
  • Avail Promos – yung mga namimigay ng mga coupon sa mall, kunin niyo yun kasi maaari kayong makatipid dun para sa food.
  • Barkada Meal – may mga barkada bucket na inooffer ngayon ang mga fastfood chains para makatipid kayo.
  • Walang Kamatayang Crispy Chicken Fillet at Thirty Niners Meal – self explanatory. Alam niyo na yan! 
3. Communication:
  • All Net Texting – may mga magbabarkada kasing nasa iba’t ibang networks, kaya nahihirapan silang makipagcommunicate gamit ang regular load (ang mahal kaya!) kaya may mga offers ang mga Telecom na text promos.
  • Mobile Facebook –  isa sa way of communication na rin ang facebook. “Uy, message mo na lang ako sa facebook kung nasan na kayo ha” may mga malls or fastfood chains na rin na nag-ooffer ng free wifi pero paano kung wala? May offer ang SMART na UNLI-facebook for one day. That’s unli facebook for Php 10.00 only. Just text FB to 211 (FB10 is for Java Phones) Sulit siya at mabilis kasi nga SMART. Hindi lang actually for communication, pwede niyo ring gamitin yun para magpost ng mga pictures niyo, foods na kinain niyo at kung anu-ano pa! 
Masaya talagang makipagbonding sa mga barkada lalo na kapag after exams, break-ups, toxic days, overloaded na trabaho. Sila ang mga kaibigang nandiyan para sa inyo :)
Share!